Greetings Folks!!!

Thank you for dropping by.

Come with me and we will together visit Shrek in "Far-Away Land" or play and fly with Peter Pan in "NeverLand". Places where only dreams and imagination are required.

Let's all wander and explore what is in Fantasy World, the only place where you can do whatever you feel like, you can have whatever you need and you can go wherever you want....

Let's run away from Reality even for sometime...

You can also visit my "The Journey To Life" and "Take To The Road" blog sites.
Enjoy reading!

Thank you :)

Saturday, August 20, 2011

For The Sake Of LOVE.... "Hanggang Saan?!"


Eto na naman si seksi, sadyang kay aliwalas ng mukha at kutis porselana, pangalan niya'y Carmi, nagtatrabaho sa isang Petroleum company bilang Administrator. Palangiti ngunit sa likod ng matatamis na ngiti'y lungkot ang bumabalot sa pagkatao. Pangungulila sa dating katipan na si Lando, isang kaibigan mula pagkabata kahit apat na taon ang tanda niya dito. Maagang naulila si Lando kaya hirap ito sa buhay, gustuhin mangmakapag-aral ay napilitan itong tumigil upang maagap sumubo sa hamon ng buhay. Si Carmi ay nakapagtapos sa esklusibong paaralan sa kanilang bayan at nakapag-ibang bansa, nagsumikap sa buhay at tinulungang makapagtapos ng pag-aaral si Lando. Makalipas ang limang taong pagpupursige ay tumungtong sa entablado si Lando upang tanggapin ang diploma ng inhenyero. Sa anim na taong pagsusumikap ni Carmi sa ibang bansa'y pangatlong beses lang siyang babalik sa Pilipinas upang surpresahin ang katipan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, sa halip ay siya'ng nasurpresa sa sumambulat na katotohanan sa kanyang harapan. Ang kaisa-isang lalaking minahal niya at tinulungan ay nagawa pa siyang lokohin. Si Lando ay may sarili ng pamilya, may isang tao't walong buwan na anak at buntis ang kanyang asawa ng apat na buwan, ang kanyang matalik na kaibigan mula ng siya'y magkaisip, si Dahlia. Animo'y binuhusan siya ng nagyeyelong tubig dahil sa nasaksihan, sa sobrang sakit ng nadama'y halos masiraan siya ng bait ngunit sa kabila ng sinapit ay nagkaroon parin ng puwang ang pagpapatawad sa kanyang puso. Masakit ma'y tinanggap parin niya ang mag-asawa, siya pa ang naging ninang ng pangalawa nilang anak at natulungan pa niyang makapag-ibang bansa si Lando. Nagi parin siyang tapat na kaibigan sa kabila ng pait na sinapit sa mga ito at sa labis na pagmamahal niya sa lalaki'y nakalimutan na niya ang kanyang sarili. Lumipas na sa kanya ang panahon at hindi na naisipan pang mag-asawa. Trentay-tres na siya sa Nobyembre, walang nobyo at di na binalak pang maghanap ng makakaisang-dibdib. Kahit anong sakit ng sinapit ay nakuha parin niyang mapatawad at tanggapin si Lando at Dahlia alang-alang sa pagmamahal sa dating katipan.

Eto naman si Acia, napaka masayahin at animo'y walang pinoproblema sa buhay. May kaya ang pamilya at nagtatrabaho bilang secretary sa DHL. Masigla at palabati, mahaba ang buhok, matangkad at simpleng manamit. Natagpuan niya ang lalaking kanyang minamahal dahil sa kanyang trabaho, si Ian. Minahal at ginawa Nya ang lahat para Kay Ian. Nagsama sila at namuhay ng tahimik sa bansang parehas sila'y estranghero ngunit lubhang sinubukan siya ng tadhana sa kadahilanang ang taong minamahal pala Nya ng lubos ay may pamilya, asawa't dalawang anak sa Pilipinas. Gayun pa man pinagpatuloy parin nila ang relasyon. Kada-taon umuuwi si Ian sa kanyang pamilya habang si Acia ay naiiwang mag-isa. Masakit para sa kanya ang sitwasyon pero mas pinili parin niya ang makasama si Ian alang-alang sa pagmamahal kahit alam niyang ang mga oras at sandaling kasama Nya si Ian ay isang hiram.

"Good Evening!" pagbati mula sa isang intsik si Mr. Chan. Mayaman at nagma-may-ari ng kumpanya. Mabait at pala-kaibigan subalit may pait din na nakaraan. Dalwang beses siyang nagmahal ng sobra, una, si Kris, niloko siya at pinaasa at ang pangalawa, si Sheryl, Hindi naman siya nagawang ipaglaban. Si Kris ang kaunaunahang kasintahan ni Mr. Chan, kalahi Nya at dating kasamahan sa trabaho. Nagtagal sila ng halos dalwang taon, sa sobrang pagmamahal, ibinigay niya ang lahat ng sobra-sobra ulti mong pagtitiwala kahit nagmumukhang tanga na siya sa mata ng ibang Tao dahil sa harap-harapan siyang niloloko ni Kris. Inaya niya ng kasal ang kasintahan, punayag si Kris sa isang kundisyon, sa Tsina sila magpapakasal at duon na maninirahan. Sa tuwa ni Mr. Chan, inayos niya ang papeles at mga gamit na ipinadala sa Tsina. Dumating ang araw na nasaayos na ang lahat, halos isang buwan nalang ay ikakasal na ang dalawa. Unang liliipad papuntang Tsina si Kris at usapa'y susunod siya maka-isang linggo. Sa sobrang pagtitiwala ay sumang-ayon ang binata ngunit biglang umalis si Kris ng Hindi alam ni Mr. Chan Kung saan ngpunta, bitbit ang lahat ng naipundar Nya pati ang perang inipon niya simula ng nagtrabaho siya. Simula noo'y Hindi na siya nakarinig ng kahit anong balita mula sa dalaga, sinubukan niyang hanapin hanggang sumuko nalang siya.

Sa sobrang sakit ng naranasan sa kauna-unahang babaeng kanyang minahal, natakot na siyang magmahal at pinangako sa sarili na Hindi na Nya hahayaang masaktan at maloko Ulit siya. Makalipas ang ilang buwan dumating sa buhay nya si Sheryl, Pilipina at baguhan Lang sa bansa. Malaki ang agwat ng kanilang edad ngunit Hindi iyon naging handlang sa kanilang pagmamahalan. Nagtagal sila ng halos walong taon at halos limang beses niyang niyaya ang dalagang magpakasal subalit apat na beses siyang tinanggihan dahil mayroong ibang tinitibok ang puso ni Sheryl mula sa nakaraan. Hindi napahalagahan ni Sheryl ang pag-aalaga at pagmamahal na binigay ni Mr. Chan. Lingid sa kaalaman ni Mr. Chan na Hindi siya gaano kamahal ni Sheryl ngunit Hindi siya tumigil at nagpursige siya para mahalin siya, handa siyang magpalit ng nasyonalidad alang-alang sa minamahal. Hindi man nasuklian ni Sheryl ng karapat-dapat na pagmamahal si Mr. Chan, nagawa naman niyang tanggapin at pahalagahan ang taong tumulong sa kanya para maibsan at kalimutan ang sakit na nadulot ng nakaraan. Ngunit sadyang mapaglaro ang kapalaran, Kung kailan tinanggap na niya ang kasal Saka sila sinubok ng pagkakataon. Kinailangang umuwi si Mr. Chan sa Tsina upang isalba ang naluluging kumanya ng kanilang pamilya na minana pa sa kanilang ninuno at ang tanging paraan ay pakasalan niya ang babaeng anak ng isa sa mga mayamang negosyante ng Tsina. Walang kaalam-alam si Sheryl na ang kasintahan ay nakasal na, nagulat nalang siya ng aminin ni Mr. Chan at ilahad sa kanya ang nga nangyare. Sa sobrang sakit ay Hindi niya alam ang gagawin, tinangka niyang maging pangalawang asawa ngunit sobra-sobra ang pagmamahal at respeto ni Mr. Chan sa kanya, Hindi Ito pumayag dahil Hindi nararapat sa kanya ang maging pangalawa. Nagkahiwalay sila at natapos ang istorya nila sa silyang paborito nilang tambayan dito.. Ngayon tanging alaala ng nakaraan ang paulit-ulit na binabalikan ni Mr. Chan, Hindi man siya masaya sa kinahantungan ng kanilang pagmamahalan ngunit wala na siyang magagawa. Kailangan nyang panindigan ang pinasok Nya kahit alam nyang ang talikuran ang minamahal ay kanyang pagsisisihan hanggang sa huli ng kanyang buhay.

Naku, ano nga ba namang kaibahan ko sa kanila maliban sa pagiging gwardya dito sa parkeng palipasan ng oras nila. 

Minsan din akong minahal ng sobra pero di ko napahalagahan dahil nagmahal Lang din ako ng sobra, yun nga Lang sa iba, sa taong nasaktan Lang din ako ng sobra. Nagmamahalan naman kami, masaya at sadya palang makulay ang mundo pag "IN LOVE!" subalit sinubok kami ng pagkakataon, distansya, paniniwala at paninindigan ang sumukat ng aming pagsasama. Pero sadya atang ganun ang buhay, Hindi lahat ay ibinibigay, siguro nga dahil hindi siya ang para sa'kin dahil sa saglit ng panahon nagawa nyang bumitaw, iwan ako at saktan ng di Nya namalayan. Naiwan akong nag-iisa na umaasang maayos pa at babalik siya pero mukhang hindi na. Pinaparamdam naman niyang mahalaga ako ngunit sabat bang "mahalaga lang ako" hindi ba mas masarap sana kung mapatunayan kong mahal nga niya ako, kung gumagawa siya ng paraan para mapanindigan ako, sapat bang salita lang? kaya wala na akong magawa kundi ipaubaya nalang sa Maykapal, sa higit na nakakaalam ng lahat. Bahala na Kung babalik pa siya, dun nalang ako sa Kung saan siya masaya kahit alam kong masakit para sa'kin. Tatanggapin ko kung ano man ang magiging kapalaran namin, alang-alang sa pagmamahal ko sa kanya ibibigay ko kung saan siya magiging masaya.

Hay! Hanggang saan nga ba ang nararapat mong gawin para sa taong mahal mo? Hanggang kailan mo kakayanin ang pait at sakit na dulot nito? Hanggang alin ang kaya mong isugal? Madaming bakit... paano... pero tataya parin kahit pagkadurog ng puso at pagkatao mo, paninindigan, paniniwala at sarili mo ang susuungin mo.

Mapalad ang mga taong nahanap na ang Para sa kanila... Nawa'y huwag nilang isasang tabi at sana'y mapangalagaan nila at masuklian ng nararapat na pagmamahal ang taong totoo at tapat na nagmamahal sa kanila...

Para sa mga Hindi pa natatagpuan ang para sa kanila... huwag magmadali... may kanya kanyang laan para sa isat-isa. Maaaring sa kadahilanang Hindi pa tama'ng panahon... Basta laging tatandaan, ang Maykapal ang nakakaalam ng lahat, maaaring ang gusto natin ay Hindi laan para sa'tin at mas nararapat ang ibibigay Niya, mas higit sa Kung Sino man ang gusto natin.

19.08.11
05:38 pm

Inspired by "In The Name of LOVE" movie and "Minsan Lang Kitang Iibigin" teleseries.

1 comment:

  1. Paalaala: Ang nkalathala ay maaaring base at posibiling mangyare s 22ong buhay ngunit ang mga tao at pngyayare ay mga kathang-isip lamang bunga ng mlawak n imahinasyon...

    Salamat Mr. Ralph Laylo at namotivate akong pganahing muli ang aking imahinasyon. Sa "In The Name of LOVE" movie at "Minsan Lang Kitang Iibigin" teleserye s pgbbigay inspirasyon sakin upang mkabuo ng isang kwento...

    Enjoy reading! ;)

    ReplyDelete